Magnitude 4.2 na lindol, tumama sa Eastern Samar

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Eastern Samar.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 25 kilometers Southeast ng Homonhon Island (Guiuan).

Tumama ang lindol dakong 2:53 ng hapon.

Nasa 39 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Dahil dito, naitala ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity 2 – Borongan City, Eastern Samar
Intensity 1 – Surigao City

Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...