Mga paaralan sa Maynila, pinag-aaralang gawing lugar para sa COVID-19 vaccination program

Manila PIO photo

Pinag-aaralan na ni Manila Mayor Isko Moreno na gawing COVID-19 vaccination program area ang mga eskwelahan sa lungsod.

Ayon kay Mayor isko, sa ngayon, naghahanap na ang lokal na pamahalaan ng mga lugar na may malalawak na espasyo para sa pagbabakuna sa mga residente ng Maynila.

Maaari aniyang gamitin ang mga quadrangle ng mga eskwelahan para pagpilihan ng mga magpapabakuna.

Paliwanag pa ni Mayro Isko, ang mga silid-aralan ang gagawing lugar para sa pagbabakuna habang ang iba ay magsisilbing waiting room kung mayroong adverse effect matapos maturukan.

Nakahanda na rin aniya ang mga health worker na mangangasiwa sa pagbabakuna.

Ayon kay Mayor isko, may mga ilalagay din na ambulansya ang Manila Disaster Risk Reduction and management Office sa mga vaccination area.

Dadagdagan pa ng lokal na pamahalaan ang pagsasagawa ng simulation exercise sa pagbabakuna para masiguro na magiging maayos ito.

Read more...