Quezon, makararanas ng pag-ulan

Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 2:00 ng hapon, mahina hanggang katamtamang buhos ng ulan ang iiral sa probinsya ng Quezon.

Bunsod ito ng low pressure area (LPA) at tail-end of frontal system.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Antabayanan din ang susunod na abiso ng weather bureau bandang 5:00 ng hapon.

Read more...