Malaking bahagi ng bansa uulanin dulot ng LPA

Asahan na ang mga pag-ulan sa iba’t-ibang panig ng bansa ngayong araw dahil sa Low Pressure Area malapit sa lalawigan ng Romblon.

Sa 4am weather bulletin ng PAGASA, nakasaad na huling namataan ang LPA sa layong 20 kilometro Hilagang Silangan ng Romblon, Romblon.

Makaaapekto naman sa eastern section ng Central Luzon ang Tail-end of Frontal System.

Umiiral pa rin naman ang Northeast Monsoon o Amihan na mararamdaman sa Northern Luzon.

Ang mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur Catanduanes, Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dulot ng LPA at ng Tail-end of Frontal System.

Ang Central at Eastern Visayas, Northern Mindanao at Caraga ay makararanas din ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dulot ng LPA.

Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay magiging maulap hanggang sa maulap ang papawirin na may isolated rainshowers dahil sa localized thurderstorms.

 

Read more...