BREAKING: Matandang babae patay sa sunog sa Quezon City

Isa ang nasawi sa naganap na sunog sa Aqua St., Fern Village, Barangay Pasong Tamo, Quezon City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, isang 63 anyos na babae ang nasawi matapos hindi makalabas sa nasusunog na bahay.

Nagsimula ang sunog dakong 6:34 ng umaga na umabot lamang sa 1st alarm at idineklarang fire out ganap na 7:33am.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa insidente.

 

 

Read more...