Davao Oriental, niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Tumama ang magnitude 3.3 na lindol sa Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 94 kilometers Southeast ng Tarragona bandang 8:52 ng gabi.

33 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa Tarragona at iba pang kalapit-bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...