Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (January 19), umabot na sa 504,084 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 27,857 o 5.5 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,357 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
86.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.1 porsyento ang asymptomatic; 0.42 porsyento ang moderate; 2.7 porsyento ang severe habang 4.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 69 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 9,978 o 1.98 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 324 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 466,249 o 92.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.