2nd District Engineering Office ng DPWH La Union, sarado sa Jan. 22

Sarado ang Second District Engineering Office ng Department of Public Works and Highways (DPWH) La Union sa bahagi ng Natividad, Naguilian sa araw ng Biyernes, January 22.

Sinabi ng kagawaran na ito ay para sa isasagawang disinfection at ipatutupad na iba pang preventive measures laban sa COVID-19.

Layon nitong mabigyan ng proteksyon ang kanilang mga empleyado at kliyente.

Kasunod nito, ipatutupad ang work-from-home arrangement sa mga empleyado sa naturang petsa.

Magbabalik naman sa normal na operasyon ang tanggapan sa Lunes, January 25.

Read more...