Ayon sa weather bureau, wala pa silang namamataang sama ng panahon na malapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR) na posibleng maging bagyo ngayong linggo.
Inaasahan ng ahensya na wala o isa lamang ang tatamang bagyo sa bansa ngayong buwan.
Samantala, iiral naman ang mainit na panahon sa ibang bahagi ng bansa sa susunod na tatlong araw dahil sa presensya ng easterlies.
Ngunit sa kabila ng mainit na panahon, sinabi ng PAGASA na posible pa rin makaranas ang bansa ng mga pag-ulan dahil sa localized thunderstorms partikular sa hapon o gabi.
MOST READ
LATEST STORIES