Ito ang pagtitiyak ni Health Sec. Janette Garin sa harap ng mga bumabatikos at kumukwestiyon sa nakatakda ng pag-arangkada sa Lunes ng programa ng pamahalaan upang labanan ang epekto ng dengue na nitong unang tatlong buwan ng taong 2016, ay mas tumaas pa ang bilang sa bansa , kumpara sa bilang ng mga naapektuhan noong isang taon sa kaparehong panahon.
Ipinaliwanag ni Garin na maging ang technical experts ng World Health Organization (WHO) ay nagsabing ang gagamiting bakuna sa bansa ay dumaan sa seryosong pagsusuri ng mga eksperto.
Tinatayang 3 bilyong piso ang gugugulin ng gobyerno sa pagbabakuna kontra sa dengue na kung hindi pa ipatutupad ay posibleng magdulot ng pagtaas pa ng kaso ng mga nasasawi dahil sa naturang sakit.
Magiging available rin ang bakuna sa pribadong ospital para naman sa mga nais magpaturok sa mga hindi pasok sa programa ng DOH.