Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 96,019,750 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 24,626,441 cases.
Sumunod na rito ang India na may 10,582,647 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 8,512,238 naman ang kaso sa Brazil habang 3,591,066 ang napaulat na kaso sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 3,433,494
– France – 2,914,725
– Turkey – 2,392,963
– Italy – 2,390,101
– Spain – 2,336,451
– Germany – 2,059,314
– Colombia – 1,923,132
– Argentina – 1,807,428
– Mexico – 1,649,502
– Poland – 1,438,914
– South Africa – 1,346,936
– Iran – 1,336,217
– Ukraine – 1,167,655
– Peru – 1,068,802
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 2,049,572 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 68,674,306 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.