Biyahe ng mga barko sa Bicol region, suspendido

Sinuspendi ng Philippine Coast Guard ang paglalayag ng mga barko sa pantalan ng Albay at Sorsogon.

Ito ay matapos maglabas ng gale warning ang Pagasa.

Ayon sa PCG, bawal munang maglayag ang mga sasakyang pandagat na mayroong 250 gross tonnages pababa.

Malakas kasi ang ihip ng hangin dahil sa tail-end of the frontal system na may kasama pang northeast monsoon.

Tinatayang aabot sa 1.2 hanggang 4 na metro ang taas ng alon.

Hindi naman kasama sa suspension order ang mga roll-on-roll-ff na may 1,000 gross tonnages pataas.

 

Read more...