Unilateral abrogation ng DND sa kasunduan sa UP dapat irekonsidera
By: Erwin Aguilon
- 4 years ago
Hinikayat ni House Committee on National Defense and Security Vice Chairman Ruffy Biazon sang Department of National Defense na irekonsidera ang pasya nito na putulin ang kasunduan sa pagitan ng University of the Philippines.
Ayon kay Biazon, kailangang magsagawa muna ng dayalogo sa pagitan ng mga lider ng UP at sa mga mag-aaral para magtulungan laban sa recruitment sa mga kabataan ng mga rebeldeng grupo.
Kahit wala aniya ang military at police presence sa UP campuses, ang terminasyon ng kasunduan ay magbibigay ng pakiramdam sa mga estudyante na nakokontrol ang kanilang academic freedom.
Babala ng kongresista, sa halip na makapagbigay ng proteksyon at seguridad ang institusyon sa mga mag-aaral ay baka baligtad pa ang maging resulta ng pagbuwag sa UP-DND accord at maging basehan pa ito na maging kalaban ng mga kabataan ang AFP at PNP.
Sa ilalim ng unilateral abrogation sa kasunduan ay nangangahulugan ito ng malayang pagpasok ng state forces sa mga campus grounds ng University of the Philippines.