Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga senador na nagpupumilit na bumili ang bansa ng bakuna kontra Covid 19 sa kompanyang Pfizer.
Ayon sa Pangulo, 25 katao na ang namatay sa Norway matapos maturukan ng bakuna na gawa ng Pfizer.
“Ayan ‘yung sa Pfizer, gusto ninyong Pfizer, kayong mga senador, in Norway, 25 persons died after receiving Pfizer vaccination. Gusto ninyo? Mag-order kami para sa inyo. Iyon ang gusto ninyo paulit-ulit nandito sa article ng Inquirer,”pahayag ng Pangulo.
Gayunman, hindi pa malinaw na ang bakunang gawa ng Pfizer ang sanhi ng pagkamatay ng 25 katao sa Norway.
Partikular na binatikos ng Pangulo si Senador Risa Hontiveros.
“Lahat kayo you apparently… Mas bilib kayo sa… Itong isa, “Senator Risa Hontiveros issued a similar call for the government to follow up Pfizer’s EU on approval of FDA,” pahayag ng Pangulo.
Sa ngayon, 25 million doses ng bakuna na gawa ng Sinovac sa China ang bibilhin ng Pilipinas.