Galvez dinipensahan ni Pangulong Duterte sa presyo ng Covid vaccine

Palace photo

Dinipensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si vaccine czar Carlito Galvez sa pagtanggi na  isapubliko ang presyo ng bakuna ng Sinovac BioTech ng China.

“Sabihin nila — hindi kasi misteryo ito eh. It’s the practice of the industry na iyang presyo bulung-bulungan muna kasi sa ganitong klaseng pandemic mag-ano ka, you buy like crazy — paunahan. Kung sino ‘yung may pera, mauna mabigyan. Kung sino ‘yung gumawa ng sarili nilang bakuna, natural, ‘yung unang mabigyan ang mga tao nila,” pahayag ng Pangulo.

Pangako ng Pangulo, mananaling confidential ang presyo ng bakuna kontra Covid 19.

Malulugi kasi aniya ang ibang bansa kapag nalaman kung magkano ang presyo ng bakunang nabili ng Pilipinas.

Aabot sa 25 milyong bakuna ang bibilhin ng Pilipinas sa Sinovac.

Payo ng Pangulo kay Galvez, huwag nang pansinin ang ikinakasang imbestigasyon kaugnay sa pagbili ng bakuna.

“Now, I’m telling now General Galvez ‘yung game plan niya sundin niya. With or without the investigation, proceed and implement what we planned to do kasi pinagpaguran mo ‘yan. Never mind about the investigation kasi mas lalong matagalan tayo kung nandiyan na ‘yung bakuna magdating na,” pahayag ng Pangulo.

Read more...