Inanunsyo ito ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa pagdinig ng House Committee on Health sa vaccination program ng gobyerno.
Ayon kay Galvez, binigyan na siya ng “go-signal” ni Philippine Ambassador to the United States Babe Romualdez na i-anunsyo ang naturang developments sa negosasyon ng Pilipinas sa Moderna para sa pagbili ng kanilang bakuna.
Mula sa 20 million doses, 10 million ang naka-allocate para sa pribadong sektor habang ang natitira pang 10 million ay para sa gobyerno.
Una nang sinabi ni Romualdez na ang target delivery ng Moderna COVID-19 vaccines sa Pilipinas ay magsisimula sa kalagitnaan ng taon.
Bukod sa Moderna, sinabi ni Galvez na makakukuha rin ang Pilipinas ng 30 million doses ng Covovax COVID-19 vaccine mula sa Serum Institute ng India; at 25 million doses ng Sinovac vaccine ng China.
Muli namang tiniyak ng opisyal na abot-kaya ang halaga ng mga bakunang bibilhin ng pamahalaan.