BREAKING: Bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, higit 502,000 na

Mahigit 2,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (January 18), umabot na sa 502,736 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 26,839 o 5.3 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 2,163 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

85.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.1 porsyento ang asymptomatic; 0.49 porsyento ang moderate; 2.8 porsyento ang severe habang 4.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 14 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 9,909 o 1.97 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, dalawa naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 465,988 o 92.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...