BREAKING: Panukala para i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN, isinalang na sa 1st reading ng Kamara

Isinalang na sa unang pagbasa ng Kamara ang panukala upang i-renew ang prangkisa ng broadcast giant na ABS-CBN.

Sa pagbabalik ng sesyon ng Mababang Kapulungan, binasa ang titulo ng House Resolution No. 8298 na inihain ni Deputy Speaker at Batangas 6th District Rep. Vilma Santos-Recto na naglalayong bigyan ng prangkisa ang Lopez led-ABS-CBN.

Inihain ni Santos-Recto ang panukala noong January 5 ng kasalukuyang taon.

Kaagad naman itong ni-refer sa House Committee on Legislative Franchise Bill.

Read more...