Sa pagdinig ng House Committee on Health, sinabi ni Governor Velasco, ama ni House Speaker Lord Allan Velasco, na alam niya na kailangang dumaan ang local governments sa national government bago makakuha ng sariling bakuna.
Gayunman, mayroon naman aniyang nakabinbing resolusyon si Deputy Speaker Rufus Rodriguez na nagbibigay otorisasyon sa LGUs na direktang makipag-ugnayan sa vaccine suppliers para matiyak ang mabilis na pagkuha ng suplay ng bakuna sa constituents.
Ipinunto rin nito na naunang inihayag nila Health Secretary Francisco Duque III at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na may nakareserbang bakuna para sa 70 porsyento ng populasyon ng bansa.
Ang nais lamang, ayon sa matandang Velasco, makatiyak sila na ang bakunang bibilhin ng LGUs ay mapupunta sa constituents bukod pa ito sa 70 porsyento ng populasyon ng bansa na mababakunahan sa ilalim ng government-procured na COVID-19 vaccines.