Global death toll bunsod ng COVID-19, lagpas 2 milyon na

Pumalo na sa lagpas dalawang milyon ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 2,039,706 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 407,202.

Sumunod na rito ang Brazil na may 209,868 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 152,456 naman ang death toll sa India habang 140,704 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 89,261
– Italy – 82,177
– France – 70,283
– Russia – 65,566
– Iran – 56,803
– Spain – 53,314

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 95,488,091 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 68,196,088 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...