Malawakang information campaign para sa covid-19 vaccines dapat ilunsad ng pamahalalaan

Nanawagan si San Jose Del Monte City Rep. Rida Robes sa Inter- Agency Task Force na magpatupad ng malawakang informatiom drive sa iba’t ibang bakuna kontra Covid-19.

Ayon kay Robes, partikular  na rito ang tungkol sa safety at efficacy ng Covid-19 vaccines na kasalukuyang ginagamit na sa ibang mga bansa.

Sabi ng kongresista, importanteng marinig ng publiko mula mismo sa IATF kung ano ang totoo at dapat paniwalaan sa mga ulat tungkol sa mga bakuna.

“There is too much information that our countrymen are getting confused and anxious about getting the vaccine. The government, particularly the IATF, should go on a massive information drive to give the real score on the vaccines and the vaccination program that soon will be rolled out when we have the vaccines,” saad ni Robes.

Sinabi ni  Robes na siya ring chairperson ng House Committee on People’s Participation, base sa pakikipag-usap sa kanyang constituents, marami ang nag-aalinlangan na magpabakuna dahil sa mga nababasa sa social media.

“Initially they wanted to get the vaccine but with the many information that they get from social media that many we know are not true, they are now having second thoughts. We should allay their fears through a massive information drive that will go all the way to the grassroots,” dagdag pa ni Robes.

Kumpiyansa naman ang mambabatas na pipiliin ng gobyerno ang ligtas at epektibong bakuna, dapat anyang sabayan ito ng informatiom campaign para mapawi ang takot ng mga tao.

Pahayag ito ng  lady solon, sa gitna ng naglalabasang napakaraming impormasyon  na nagdudulot ng kalituhan at pangamba sa mga tao.

 

Read more...