Lumobo na naman ang bilang ng mga kaso ng nagpopositibo sa covid-19 sa Cebu City.
Sa datos ng Department of Health Central Visayas, mula January 10 hanggang 16 ay 318 ang naitalang kaso sa lungsod.
Dahil dito, umakyat na sa 570 ang kabuuang bilang ng mga aktibong kaso ng covid-19 sa Cebu City na mas mataas kumpara sa 87 hanggang noong kalagitnaan ng December 2020.
Sa nasabing panahon, 70 lamang ang naitalang gumaling habang 6 ang karagdagang nasawi.
Nauna rito, itinuring na episentro ng covid-19 outbreak sa buong Central Visayas ang Cebu City na nakapagtala ng 11,389 kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Sa nasabing bilang 10,120 na ang gumaling habang 699 ang namatay.
MOST READ
LATEST STORIES