Tatlong miyembro ng Philippine Army ang nasawi matapos pagbabarilin ng mga hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army sa Legazpi City, Albay.
Ayon kay Southern Luzon Command Chief Lieutenant General Antonio Parlade Jr., naka sibilyan at walang dalang armas ang mga sundalo ng tambangan ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa Barangay Bangkerohan ng naturang lungsod.
Dadalo anya ang mga hindi pa pinangalanang sundalo sa isang coordination meeting sa pagitan ng local government doon kaugnay sa pagbibigay ng seguridad sa ginagawang kalsada ng maganap ang pananambang.
Hinala ni Parlade, paghihiganti ang dahilan ng insidente matapos ang isinagawang combat operations ng military laban sa mga rebelde.
MOST READ
LATEST STORIES