Residential area sa Alabang, Muntinlupa City nasunog

Muntinlupa BFP

Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Barrio Bisaya, Alabang, Muntinlupa City.

Ayon sa inisyal na ulat mula sa Bureau of Fire Protection-NCR, nagsimula ang sunog dakong 8:20 ng umabot.

Dahil sa dikit-dikit ang mga bahay na yari sa light materials mabilis na kumalat ang apoy.

Sinasasabing nag-umpisa ang sunog sa kisame ng bahay ng isang Francisco Amorado.

Umabot sa ika-apat na alarma ang sunog at idineklarang fire under control dakong 10:05 ng umaga at fire out ganap na 11:06 ng umaga.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa insidente.

 

Read more...