UH-1H choppers ng Philippine Air Force grounded na

contributed photo

Grounded na ngayon ang lahat ng UH-1H helicopter ng Philippine Air Force kasunod ng pagbagsak ng isa nitong chopper sa lalawigan ng Bukidnon na ikinasawi ng pitongts sundalo.

Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson LtCol. Aristides Galang, ito ay bilang bahagi ng kanilang standard operating procedure kapag nasasangkot sa aksidente ang isang uri ng kanilang aircraft.

Iginiit ng opisyal na “well-maintained” ang bumagsak nilang chopper.

Sinusunod anya nila ang maintenance procedures at nagsasagawa ng inspeksyon bago at pagkatapos ang mga itong limipad.

Sa ngayon kay Galang ay nagsasagawa pa rin sila ng imbestigasyon upang mabatid kung ano ang dahilan ng pagbagsak ng chopper.

Sabado ng hapon, bumagsak ang nasabing UH-1H helicopter ng PAF lulan ang pitong sundalo na ikinasawi ng mga ito.

Lumilipad ang nasabing chopper kasama ng isa pang helicopter para resupply mission nang maganap ang insidente sa Barangay Bulonay, sakop ng bayan ng Impasug-ong.

 

 

 

Read more...