Hindi bababa sa 21 katao ang nasawi makaraang gumuho ang isang ginagawang road overpass sa Kolakata, India.
Tone-toneladang semento at bakal ang bumagsak sa mataong mga kalsada at mga establisiymiyento na ikinasawi ng mga biktima at ikinasugat ababot sa 70 iba pa.
Tinatayang aabot sa 100 metro ng haba ng ginagawang overpass ang gumuho at bumagsak sa mga tao at mga sasakyan.
Patuloy pang hinuhukay ng mga otoridad at mga rescue volunteers ang lugar na pinangyarihan ng collapse dahil sa mga ulat na may ilan pang natabunan ng pagguho ng overpass.
Gumagamit na rin ng mga sniffer dogs ng National Disaster Response Force upang hanapin ang ilan pang nawawala.
Ayon sa mga otoridad, 2007 pa nang malagdaan ang kontrata sa pagsasaayos ng overpass at inaasahang matatapos sa loob ng dalawang taon.
Gayunman, makalipas ang ilang taon, nasa 70 porsiyento pa lamang ng overpass sang natatapos ng kontratista.