Suspek sa Paris attacks, dadalhin na sa France

 

Inquirer.net/AP

Nagdesisyon ang isang korte sa Belgium na maaring ma-extradite sa France ang itinuturong utak ng Paris attacks na si Salah Abdeslam.

Ayon kay Cedric Moisse na abgoado ni Abdeslam, ibinaba na ng kaniyang kliyente ang una nitong pag-tutol sa pagpapadala sa kaniya sa France.

Bukod dito, muling nag-alok si Abdeslam na makipagtulungan sa mga otoridad sa France.

Matapos ang pagkaka-aresto sa kaniya noong March 18, sinagot ni Abdeslam ang ilan sa mga tanong ng mga imbestigador ngunit iginiit ang kaniyang right to silence kasunod ng mga pambo-bomba sa Brussels noong March 22.

Naniniwala ang mga imbestigador na iisa lamang ang grupo sa ilalim ng Islamic State ang nasa likod ng mga pag-atake sa Paris at sa Brussels.

Read more...