Magnitude 3.6 na lindol yumanig sa Eastern Samar

Phivolcs Facebook photo

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang lalawigan ng Eastern Samar, Linggo ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig dakong 6:37 ng umaga sa layong 13km Timog-Kanluran ng bayan ng Maslog.

Naramdaman ang Intensity II sa Catbalogan City, Samar habang  Intensity I sa Borongan City, Eastern Samar.

Tectonic ang sinasabing pinagmulan ng nasabing lindol.

Wala namang naitalang aftershocks sa insidente.

 

 

Read more...