Pito patay sa pagbagsak ng Philippine Air Force helicopter

contributed photo

Pitong sundalo mula sa Philippine Air Force at Philippine Army ang nasawi matapos bumagsak ang kanilang sinasakyang UH-1H helicopter, Sabado ng hapon sa bahagi ng Barangay Bulonay, Impasug-ong, Bukidnon.

Kabilang sa mga nasawi ang piloto na si LTC Arnie Arroyo, co-pilot na si 2Lt Mark Anthony Caabay, crew na sina Airman 1st Class Stephen Aggarado at Sgt. Mervin Bersabe.

Nasawi rin si Army Sgt. Julius Salvado at dalawang miyembro ng CAFGU na pasahero ng bumagsak na helicopter.

Magsasagawa ng resupply ang mga ito para sa 8th Infantry Battalion ng Philippine Army nang maganap ang insidente.

Ayon kay Major Rofdulfo Cordero Jr., tagapagsalita ng 4th Infantry Division, engine trouble ang dahilan ng pagbagsak ng helicopter.

Sinubukan pa anya ng piloto na mag crash-land pero hindi ito naging matagumpay.

Kaagad namang narecover ang katawan ng mga nasawing sundalo.

 

Read more...