Isang low pressure area (LPA) ang minomonitor ngayon ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA sa Mindanao.
Ayon sa PAGASA, kaninang 3am huling namataan ang sama ng panahon sa layong 490km silangan timog-silangan ng Davao City.
Patuloy pa rin naman ayon sa weather bureau na maka-a-apekto sa Luzon ang Northeast Muzon o Amihan na magdadala naman ng maulap na papawirin at kalat-kalat nap ag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon, Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.
Asahan na rin ayon sa PAGASA ang pagkakaroon ng maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog at pagkidlat sa MIMAROPA, Visayas at Mindanao ngayong araw.
Ito ayon sa weather bureau ay dahil sa tail-end ng Frontal system.