Patuloy na umiiral ang Northeast Monsoon o Amihan at Tail-end of Frontal System sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay PAGASA weather specialist Raymond Ordinario, nakakaapekto ang Amihan sa malaking bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila.
Magdudulot aniya ito ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley at Cordillera.
Ani Ordinario, Tail-end of Frontal System naman ang umiiral sa Silangang bahagi ng Southern Luzon habang may traces ng Easterlies sa Mindanao region.
Bunsod nito, asahang magdudulot ito ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Bicol region, Northern Mindanao at Caraga.
Sa nalalabi namang bahagi ng bansa, magiging maaliwalas ang panahon maliban na lamang sa mga panandaliang isolated rainshowers at thunderstorms.
Sa susunod na tatlong araw, ani Ordinario, wala pa ring inaasahang bagyo na maaaring mabuo o pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).