SEC gustong buhayin ang National ID system kontra money laundering

 

Inquirer file photo

Nais ng Securities and Exchange Commission na ipatupad na ng pamahalaan ang National ID system upang mapigilan ang money laundering at mapaganda ang serbisyo ng pamahalaan sa publiko.

Matatandaang ilang taon nang ipinapanukala ang pagkakaroon ng National ID system ngunit kinokontra ito ng ilang human rights groups sa pagsasabing posible itong lumabag sa right to privacy ng mga indibidwal.

Ayon kay SEC Chair Teresita Herbosa na co-chair din ng Anti-Money Laundering Council, kanilang suportado ang panawagan ng Foundation for Economic Freedom o FEF na ipatupad ang National ID.

Sakaling ipairal aniya, mahihirapan na ang pagbubukas ng mga fictitious na mga accounts tulad ng mga ginamit umano sa money laundering case kung saan natangay ang $81-milyon ng Bangladesh Central Bank.

Maari rin aniyang magamit bilang karagdagang safeguard ang National ID upang maberipika ang pagkatao ng isang account holder.

Kung may Naitonal ID system aniya, mas mapapadali rin ang pagbuo ng data para sa isang indibidwal.

Bukod dito, hinihiling din ni Herbosa na luwagan ang Bank Secrecy Law upang hindi magamit ng mga money launderes at iba pang mga kriminal ang banking system ng bansa ang kanilang mga nakaw na kayamanan.

Read more...