Kim Wong inosente, giit ng abugado nito

 

Lyn Rillon/Inquirer

Naniniwala ang abugado ng casino junket operator na si Kim Wong na inosente pa rin ang kanyang kliyente sa kasong isinampa laban dito ng Anti-Money Laundering Council o AMLC.

Ayo kay Atty. Inocencio Ferrer, handang tumulong ang kanyang kliyente upang maituro ang mastermind sa pagpasok ng $81-M money laundering scam.

Kahapon, isinauli ni Wong ang nasa $4.63 milyon na ninakaw ng mga hacker sa Bangladesh Central Bank sa AMLC.

Samantala, naniniwala naman ang AMLC na kahit ibinalik ni Wong ang naturang halaga, hindi pa rin ito lusot sa kaso.

Ayon kay Insurance Commissioner Emmanuel Dooc, miyembro ng AMLC na walang “quid pro quo” o “something for something” sa pagsasauli ng pera ni Wong.

Gayunman aniya, iginigiit ng kampo ni Wong na hindi dapat ituring na admission of guilt ang pagsasauli ng kanyang kliyente ng bahagi ng nawawalang pera sa money laundering scam.

Read more...