Manila COVID-19 vaccine storage facility, itinatayo na

Manila PIO photo

Sinisimulan na ang pagtatayo sa Manila COVID-19 vaccine storage facility sa Santa Ana Hospital na isa mga ospital na pinatatakbo ng Manila LGU.

Inaasahan na rin ang pagdating ng 12 refrigerating systems at 50 transport coolers mula sa Haier Biomedical Company products sa darating na Lunes.

Ang mga ito ay maaring paglagyan ng iba’t ibang brand ng bakuna gaya ng Pfizer, AstraZeneca, Moderna, Sinovac at iba pa.

Maliban sa Pfizer at AstraZeneca, ang alkalde ng Maynila ay nakipagpulong din sa UK, US at Indian embassies upang makakuha ng karagdagang bakuna.

Target naman ng Lungsod ng Maynila na mabakunahan ang 70 porsyento ng kabuuang bilang ng mga residente nito.

Manila PIO photo
Read more...