Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, magkakaroon ng data registry sa lahat ng tatanggap ng bakuna.
“Itong vaccine passport na ito, meron po tayo. Magkakaroon po tayo ng ganyan, and as we have said in the previous na mga pag-uusap, magkakaroon po tayo ng data registry for all recipients,” pahayag nito.
Magbibigay aniya ng QR code sa kada indibidwal na matuturukan ng COVID-19 vaccine.
“This would be something of a unique identifier for a specific person who will receive the vaccine, and dito magkakaroon din po sila ng card na nagsasabi na sila ay nabakunahan, either with one dose or two doses,” dagdag pa nito.
Magsisilbi aniya itong certificate na nabigyan na ng naturang bakuna laban sa nakakahawang sakit.
Naniniwala si Vergeire na oras na maipatupad sa bansa, magiging bahagi na ito ng protocols para sa border control sa iba’t ibang bansa.