Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa 93.53 milyon

Pumalo na sa mahigit 93.53 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 93,533,917 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 23,848,410 cases.

Sumunod na rito ang India na may 10,528,508 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 8,326,115 naman ang kaso sa Brazil habang 3,495,816 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 3,260,258
– France – 2,851,670
– Turkey – 2,364,801
– Italy – 2,336,279
– Spain – 2,211,967
– Germany –  2,004,011
– Colombia – 1,849,101
– Argentina – 1,770,715
– Mexico – 1,588,369
– Poland – 1,414,362
– Iran – 1,311,810
– South Africa – 1,296,806
– Ukraine – 1,138,764
– Peru – 1,048,662

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 2,002,411 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 66,835,146 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...