Abo ni Ka Roger, inilibing na

 

Inquirer file photo

Makalipas ang limang taon, naihatid na sa kanyang huling hantungan ang mga abo ni New People’s Army Spokesperson Gregorio “Ka Roger” Rosal sa bayan ng Ibaan, Batangas.

Si Rosal ay namatay noong 2011 sa hindi tinukoy na lugar sa Northern Luzon sanhi ng atake sa puso sa edad na 64 na taong gulang.

Sinalubong ang pagdating ng labi ni Ka Roger ng mga aktibista na nakasuot ng berde at pulang camisa de chino at mga ‘Mao’ na sombrero nang dumating ito sa St. Joseph Academy kahapon.

Bago ihatid sa huling himlayan, ipinrusisyon muna ang mga abo ng dating tagapagsalita ng NPA sa Ibaan, gamit ang isang ‘parago’ o karitela.

Bagama’t hindi nakadalo, nagpahatid naman ng mensahe ang anak ni Ka Roger na si Andrea Rosal sa pamamagitan ng isang video message.

Inihimlay ang labi ni Ka Roger katabi ng puntod ng kanyang asawa at apo sa bayan ng Ibaan.

Read more...