Executive session inihirit ng mga senador para alamin COVID 19 vaccines’ negotiations

Gusto ng mga senador na maging malinaw ang gobyerno sa gagastusin sa pagbili ng COVID 19 vaccines kayat magpapatawag sila ng executive session sa mga opisyal na may kinalaman sa pagbili ng bakuna.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri nais nila na malaman ang mga detalye sa pakikipag-negosasyon ng gobyerno sa pagbili ng mga bakuna.

“We’re going to an executive session so that they don’t of course violate their non-disclosure agreement. We will ask them to disclose the prices of their purchase of the vaccines, ‘yung amounts na babayaran,” sabi ng senador.

Pagdidiin nito, hindi sa lahat ng pagkakataon ay maaring igiit ng Malakanyang na hindi maaring isapubliko ang kanilang mga pakikipag-usap sa mga gumagawa ng bakuna dahil aniya ang gagamitin ay pondo ng bayan.

“To us, ‘yung non-disclosure agreements cannot be used for government funds because we have to properly account it. Importante po ito. That is the key to transparency,” giit ni Zubiri.

Dagdag pa niya hindi rin naman maaring tumalikod na lang sila sa pagsasabing,“hindi naman puwede nating sabihin na: ‘Ah, huwag kayong mag-aalala, kami na ang bahala dito, kami ang may alam ng presyo, pero huwag kayong magalala, hindi tayo dehado.’ Hindi po puwede ang ganon sa gobyerno, dahil may CoA po tayo.”

Read more...