Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (January 14), umabot na sa 494,605 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 25,614 o 5.2 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,912 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
85 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.4 porsyento ang asymptomatic; 0.48 porsyento ang moderate; 2.9 porsyento ang severe habang 5.2 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 40 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 9,739 o 1.97 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 746 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 459,252 o 92.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.