60 pang kaso ng COVID-19, nadagdag sa Maynila

Karagdagang 60 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Batay sa MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Huwebes ng tanghali (January 14), sumampa na sa 25,454 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 348 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Sampaloc na may 65 active cases.

Sumunod dito ang Malate na may 52 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Nasa 42 residente naman ang bagong gumaling at isa ang nasawi.

Dahil dito, umabot na sa 24,339 ang kabuuang bilang ng naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 767 na ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

Read more...