Libreng drive-thru swab testing sa Quirino Grandstand, ikakasa simula sa Jan. 18

Magkakasa na ng libreng drive-thru RT-PCR swab testing sa Quirino Grandstand simula sa araw ng Lunes, January 18.

Ayon sa Manila Public Information Office, layon nitong matiyak na ligtas ang publiko sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Nasa 100 katao kada araw ang maaaring sumailalim sa naturang pagsusuri.

Dahil dito, kailangang magpa-schedule ng appointment sa Manila Emergency Operation Center ng Manila Health Department.

Bukas ito tuwing Lunes hanggang Biyernes mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Narito ang mga numero na maaaring tawagan ukol sa swab testing:
09052423327
09983226367
09636023177
09555875976

Read more...