Kinilala ang vlogger bilang Winnie Wong, alyas Penelope Pop.
Sa isang liham kay Attoney Ronaldo Ledesma, Chairman ng Board of Special Inquiry ng Bureau of Immigration, sinabi ng grupong Action for Consumerism and Transparency (ACTION) na si Wong isang Taiwanese na ang totoong pangalan ay Yun-i Wang.
Lumabas rin anila ang balita na si Wong ay nakatira sa Pilipinas gamit ang Special Investors Residence Visa. Ibig sabihin nito, bawal siyang magtrabaho bilang endorser at bawal rin itong magbenta ng retail products, tulad ng cosmetics.
Sa kabila nito, nabuko rin ng FDA na nagbebenta si Wong ng pabango na nagngangalang “Pouf!” nang walang permiso o testing mula sa FDA.
Sinabi rin ng FDA na posibleng naglalaman ang pabango ni Wong ng “heavy metals” na delikado sa kalusugan na gumagamit nito.
Dahil dito, naglabas kamakailan ng babala ang FDA sa publiko na huwag bumili ng nasabing produkto.
Nadawit rin sa sa isyu na ito ang aktres na si Toni Gonzaga, dahil kasosyo umano ito ni Wong sa kumpanyang TGWW na nangangasiwa sa pagtitimpla at pagbebenta online ng nabanggit na produkto mula mimso sa bahay ni Wong sa Number 7, North Park Kawayan Street, Forbes Park, Makati.
Ayon kay Action Secretary General Vito Gaspar Silo, may responsibilidad ang pamahalaan na pangalagaan ang kaligtasan ng consumers.
Dahil dito, sapat na ang expose ng FDA ukol kay Wong, para ito ang nasabing vlogger at influencer ay mai-deport palabas ng Pilipinas at pabalik sa Taiwan.