176 pang residente sa Eastern Visayas, tinamaan ng COVID-19

May 176 pang nadagdag sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 10:00, Huwebes ng umaga (January 14), umakyat na sa 12,475 ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 921 o 7.38 porsyento ang aktibong kaso.

19 residente naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 11,401 o 91.39 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Nasa 153 na ang mga residenteng nasawi o 1.23 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...