Sen. Zubiri: 50% efficacy rate ng vaccine mukhang kakapusin sa COVID 19 UK variant

Sa pagkumpirma ng DOH na nakapasok na sa bansa ang UK variant ng COVID 19, nangangamba si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na hindi uubra ang COVID 19 vaccine na may 50% efficacy rate lang.

Sinabi ni Zubiri, ang UK variant ng COVID 19 ang dapat na ikunsidera na ang mas mga epektibong bakuna lang ang bilihin ng gobyerno para sa mga Filipino.

“Let’s go with the vaccines that have finished Phase 3 trials because their efficacy rates are good —  Pfizer, Moderna, AstraZeneca, Gamaleya, and Novavax,” sabi pa nito.

Dagdag pa ng senador dapat ang siyensa ang maging gabay ng gobyerno sa pagpili ng ng mas ligtas, mas epektibo at kung saan masusulit ang pera, sa pagbili ng bakuna.

Isang 29-anyos na negosyante at residente ng Quezon City ang nagpasok ng UK variant ng COVID 19.

Bumiyahe ito sa Dubai noong nakaraang Disyembre at nagbalik sa bansa unang linggo ng bagong taon.

Read more...