Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (January 13), umabot na sa 492,700 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 24,478 o 5.0 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,453 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
84.9 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.1 porsyento ang asymptomatic; 0.50 porsyento ang moderate; 3.0 porsyento ang severe habang 5.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 146 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 9,699 o 1.97 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 397 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 458,523 o 93.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.