COVID-19 recoveries sa Baguio, halos 3,800 na

Umabot sa 39 residente sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.

Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Martes ng hapon (January 12), umabot na sa 4,239 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.

Sa nasabing bilang, 363 ang aktibo pang kaso.

26 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.

Bunsod nito, 3,798 na ang total recoveries sa Baguio City habang 78 pa rin ang death toll.

Nasa 102,238 naman ang kabuuang bilang ng naisagawang pagsusuri sa COVID-19.

Read more...