COVID-19 cases sa Western Visayas, sumampa na sa 22,000

Nagpositibo ang 47 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang January 12, umakyat na sa 22,000 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

651 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Sinabi nito na 72.20 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

54 naman ang gumaling pa kaya 20,662 na ang total recoveries sa Western Visayas.

Umabot naman sa 681 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...