Burgos, Ilocos Norte niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

(UPDATED) Naramdaman ang magnitude 5.1 na lindol sa Ilocos Norte, Martes ng gabi.

Batay sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 54 kilometers Northwest sa bayan ng Burgos.

Tumama ang pagyanig bandang 9:38 ng gabi.

Tectonic ang origin nito at 16 kilometers ang lalim.

Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa nasabing bayan at karatig-bayan.

Ngunit, asahang makakapagtala ng aftershocks bunsod ng lindol.

Read more...