Naniniwala ang senador na kapag alam ng taumbayan ang lahat ng impormasyon, mawawala ang kanilang mga pangamba na magpabakuna.
“Sa tingin ko po ay pwede pa natin palakasin ang information dissemination campaigns o awareness information plan, hindi lamang para masiguro ang tuluy-tuloy na kooperasyon ng mga Pilipino, kundi para na rin mapanatag sila na hindi natutulog ang kanilang gobyerno upang mabigyan sila ng ligtas at epektibong bakuna laban sa COVID-19,” aniya.
Dapat din aniyang ipinaliliwanag na ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno ang pagkakataon ngayon para maipaliwanag ang programa sa pagpapabakuna laban sa COVID-19.
“Itong vaccine naman ang inaabangan nating paraan upang matigil ang pagkalat ng COVID-19, kung kaya’t huwag nating sayangin ang oportunidad na pagplanuhan ang maayos na implementasyon nito at magabayan ang publiko gamit ang tamang impormasyon na kailangan nilang malaman para makabangon sa kahirapan,” dagdag pa ng senador.
Sa resulta ng Pulse Asia survey, 32 porsiyento lang sa mga Filipino ang payag na mabakunahan laban sa COVID-19.