Saliva test sa COVID-19, mas mabilis at mura – Sen. Gordon

Pursigido ang Philippine Red Cross (PRC) na maaprubahan ang saliva test sa katuwiran na mas mabilis, mas madali at mas mura ito para malaman kung ang isang tao ay taglay ang COVID-19.

Magugunita na noong nakaraang Oktubre, hiniling ng PRC sa Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) na payagan ang saliva testing method bilang paraan para malaman kung positibo o negatibo ang isang indibiduwal sa nakakamatay na sakit.

“We are expanding our testing services with a more affordable testing which is faster and less invasive. Our proposal is based on sound studies conducted and approved in other countries. These results as well as findings on tests conducted locally by PRC were presented to the DOH and the FDA,” sabi ni PRC chairman Sen. Richard Gordon.

Sa naturang testing, kailangan lang ang laway ng tao at maiiwasan na ang reklamo dulot ng swabbing.

Paliwanag pa nito, hindi na mangangailangan pa ng matinding proteksyon sa medical worker na magsasagawa ng testing bukod pa sa kailangan lang nito ng room temperature.

Dahil mas matipid at mabilis, mas maraming indibiduwal ang masusuri at mapipigilan ang pagkalat pa ng Coronavirus.

Read more...